Suicidal Poem o Mga Bagay na Naisulat Ko Noong Hatinggabing Nakasisindak

Inaayos ko ang gulu-gulo kong libro at notebooks sa shelves nang mabasa ang isang hindi tapos na tulang naisulat ko mga ilang taon na rin ang nakaraan. Ilang minuto ko rin itong paulit-ulit na binasa. Hindi ko maintindihan ang gusto kong ipahiwatig. Magulo malamang ang isipan ko nang mga sandaling iyon o baka naman sadyang mabilis lang makalimot ang utak kong tumatanda na. Hanggang sa unti-unting nagkalinaw na parang tubig na malabo at mala magical film na biglang luminaw ang tubig dahil sa kapangyarihan ng itim na bato ng isang magiting na superhero. Tuuggshh. Alam ko na. Sinulat ko ang tulang iyon noong gusto ko nang wakasan ang buhay ko. Ako nga ang taong madilim mag-isip minsan, minsan lang naman. Melancholic at nakakaburyong ang pananaw ko sa buhay. Pero hindi pa ako umabot sa paglalaslas ng pulso. Ayoko mamatay ng may dugo. Gusto ko malinis na kamatayan. Ayoko ng may galos o marka ng karahasan. Kaya naman sa isipan ko lang pilit nilalason ang aking katawang lupa. Pilit pinipigilan ng utak ko ang pag daloy ng dugo sa aking blood vessels. Parang tanga lang. Pero ayon sa nabasa ko sa website na cracked.com, mas nagiging matalino ang mga taong malulungkot. Mas nagiging creative, mas nagiging logical, rational, artistic, realistic at malalim. Ewan ko pero parang totoo. Ewan. Basta naisipan ko lang isulat dito ang tulang hindi tapos na ‘yon bago ko itapon ang papel na pinagsulatan.

 

(Walang Pamagat)

Hinihintay ko ang sikat ng araw sa silangan

Hanging humahaplos, asul na karagatan

Umiindak sa ritmo ng tugtuging sumasabay

Sa inog ng mundong tinatangay

Patungo roon sa paraisong tiwasay

 

Hinihintay ko ang sipol ng hangin sa madaling araw

Wari’y banta ng iyong pagdalaw

Ikaw na dagliang lumisan at naglaho

Salamin kang winasak at binuong muli upang maging sagrado

Ikaw na banal ang hulmahan ang makaririnig ng palahaw

Ng sawi, tuyot sa masidhing uhaw

 

Ganito ang kahulugan nito sa akin. Hinihintay ko ang kamatayan. Ang Ikaw na aking binabanggit ay ang aking kapatid na pumanaw. Hinihintay kong sunduin niya ako. Ako’y nalulunod sa kalungkutan. Nais ko nang mamatay upang maging maligaya. Huwag mag-alala, matagal na ‘yan at masaya mag midnight snack ng pizza.

Tagalog Post

Matagal-tagal ko na rin itong hindi ginagawa, ang pagsulat sa wikang Filipino, ang Tagalog. Bilang selebrasyon na rin sa ating Buwan ng Wika kakalimutan ko muna ang nakagawian at pagyayabungin at yayakapin ang unang wikang nagturo sa akin kung paano umibig sa mga titik, sa mga salita at panitikan. Naaalala ko pa noong ako’y unang matutong magbasa. Tinuruan lang ako noon ng aking pinsan at ni hindi pa ako nakatatapak sa pasilyo ng paaralan. Ni hindi ko pa alam gamitin ng tama ang lapis at ang dila ko’y baluktot. Sabik akong matuto noon. Uhaw sa mga posibilidad at benepisyo ng bagong karunungang tataglayin. Nasa isip ko noon, hindi ko na kakailanganin pa ng kahit na sinong tao para magbasa para sa akin ng mga magagandang kwento sa aklat. Hindi na ako muling malulungkot mag-isa hawak ang mga librong may mga magagandang larawan ngunit hindi ko naman kayang basahin. Naaalala ko pa noong nagpapanggap ako na marunong magbasa. Darampot ako ng isang magandang aklat at magkukuwari akong nagbabasa ng malakas. Nag-iimbento ako ng mga istorya mula sa mga larawan sa mga pahina ng libro. Minsan napansin ito ng bisita at ang sabi, “Aba, ang bata naman niyang natutong magbasa!” Ang saya ko noon. Tila ba sinabi niyang marunong na akong lumipad na gaya ng mga ibon. Kaya naman sa tulong ng pinsan kong kolehiyala agad akong natutong magbasa at kahit minsan hindi ako nainip sa pagbabasa. Paborito ko ang mga pinaglumaang aklat ng aking mga kapatid sa Filipino. Impong Sela, Hindi Maabot ng Kawalang-Malay, Vicente, iyan ang mga naaalala kong gustung-gusto kong basahin noon. Pagtuntong ko nang ikatlong grado, nabasa ko na halos lahat ng libro sa aming tahanan maliban na lamang sa mga Medical books ng aking ina. Nasa ika-apat ako ng baitang (grade four) nang mabasa ko ang buong libro ng El Filibusterismo ni Jose Rizal. Hinanap ko ang Noli Me Tangere pagkatapos noon ngunit walang kopya nito sa aming bahay. Sa kawalang-mabasa inuubos ko ang aking baon para lang makabili ng komiks sa kanto. Ang komiks ko ay umabot ng mahigit sampu. Masarap ang pakiramdam ng madami kang babasahin at ipababasa sa mga taong mahilig din magbasa.

Dahil nauso yata noon ang Filipino romance pocketbook, hindi ko rin ito pinalampas ngunit sa kalaunan ay nagsawa rin. Ang ilang Filipino romance pocketbooks ay swerte na kung naisulat ng magagaling na awtor ngunit kadalasan ang pagkakasulat ay hindi gaanong binibigyan ng pansin ng mga ibang manunulat. Ang nakakakilig na istorya ang kanilang pinibigyan ng halaga. Para sa akin, dapat ang kwento at ang pagkakasulat nito ay balanse. Ibig kong sabihin, sa pagsusulat mas gusto ko kung may sining din ang pagkakabuo ng mga titik at pangungusap. Ika nga ni Stephen King sa kanyang aklat na Hearts in Atlantis, “but when you find a book that has both good story and good words, treasure that book.” Kaya mas pinahahalagahan ko ang mga aklat na may magandang kwento (good story) at magandang pagkakasulat (good writing) at ang mga Pilipino awtor natin ng romance fiction ay hilaw pa sa ganoong larangan. Maaaring ako ay nagkakamali. Ito ay sa aking opinyon lang naman.

Dahil sa maunti lamang ang genre at pamimilian sa mga babasahin na sulat sa Filipino, sinubukan ko ang magbasa na gawa ng mga hamak na mas sikat na manunulat tulad nina Charles Dickens, Jerome David Salinger at Paulo Coelho. Namakha ako sa husay ni Stephen King sa paglalahad ng istorya at ang mga kwento ni Sidney Sheldon ay talagang kakaiba at kaabang-abang. Gayundin sina James Patterson, Robert Parker at ang abugadong si John Grisham. Ang manggagamot na si Robert Cook ay may ibang putahe rin na inaalok. Nalulunod ako sa dami ng mga librong pwedeng basahin na sulat sa Ingles. Nakadudurog ng puso at nakaaaantig ng damdamin ang bawat kwento at ang husay sa pagkakasulat ay hindi rin matatawaran. Anu-ano kaya ang tumatakbo sa kanilang isipan sa mga sandaling isinusulat nila ito?

Nakakalungkot isipin na ang panitikang Filipino ay maaaring hanggang doon na lamang at ang panitikang Kanluranin ay talagang matayog. Sikat at yumayaman ang mga beteranong manunulat nila samantalang dito sa atin ay hindi halos kilala ang manunulat na tulad ni Luwalhati Baustista. Si Bob Ong na nakakaaliw ngunit mali-mali ang ispeling ng salita ay kilala naman sana. Buhayin sana natin ang panitikang Filipino.

Why I Stopped Following

I started blogging in 2009 amid of my tough days as a college student and angsty adolescent who knew nothing but to vent out despair and unhappiness and skepticism. I don’t think if I outgrew it anyway but I know in myself that I am maturing every second. If maturing means seldom posting blog entries unlike before when I could hastily write maximum of five nonsense entries in a week, then perhaps I am indeed maturing. Maybe because I’ve learned to control my temper and urge to write without thinking anything but myself. I have always been yes, a selfish blogger because for me blogging is something you do for yourself and not solely for anyone. For me a blog is a canvas and our emotions and feelings and thoughts are colorful paint. I draw my paintings on a canvas–that’s what blogging is to me. Of course I also should think about what others’ will think about my craft. Is it disgusting to see? Artless even? Bold and offensive to look at? I must know my limitations and responsibility as a good citizen but what drives me more is passion.

Cut the crap.

Why I stopped following is my title because recently I stopped dropping by his blog and commenting on whatever he writes there. He is a good blogger that I admire but the more I read his blog and the more he drops by my blog to read mine the more he vexes me. As he continues to speak his mind through blogging, our differences are greatly emphasized. We are two different persons. He writes to gain readers. I write to soothe myself. Moreover, he loves to preach to me like I am a helluva retard and he is an omniscient saint. He seems to contradict my writings though praising it simultaneously to forgive him. That’s crazy. So I stopped minding his business so he won’t mind mine.

As a matter of fact, I did this many times long time ago. I used to be very friendly when I was new to blogging realm. I was blogging in Filipino and I wasn’t anonymous then. Matatas ako managalog noon. I met different sort of people in cyber world. Gorgeous and really smart ones. I know they also considered me a friend when they tagged me on their posts and mentioned something nice about me. I was elated, ecstatic. What a wonderful world there was in blogging! I still regard them as pals till now but I chose to drift apart. Sometimes we put walls up not to keep people out but to see who cares enough to break them down. Remember that quote? Some cared enough to break those walls but some were also joyous to know that I drifted away. Yes, I am happy either that finally I diverged from their path for good.

Someone asked me before on Formspring, “In blogging, have you been in love?” I answered, no, the truth is I otherwise have been irked. I met worst bloggers along the way. Some bloggers’ self-righteousness exceeds the limit. Some visit my blog just to criticize or just to accumulate comment on their blogs. Uso rin ang plastikan sa blogging. In three years I already figured everything out. They blab good comments and praise you as if you are as awesome as Dickens or Tolkien though they just skip-read your overly long and tedious essay (how did I know? Their comments were inappropriate). Real world and cyber world do not differ at all. Don’t drop by their site and they will not bother you either. If they were really your fans (which is what their admiration implies) they would read your stuff whatever it takes but just accept the fact that some people want something in return.

Am I too pessimistic? But yes, I love to interact with different kinds of people with same viewpoint and opinions as mine. I like comments and feedback from anyone. I also welcome critics as I always say because I am very opinionated person. I believe, however, that every opinion of everyone must be respected and valued. Hence, when you think that my ideas and point of views are getting on your nerves, just ignore me or we both end up pissing each other off.

There are innumerable reasons to answer that question “Why did I stop following?” and I doubt if a million words could exhaust the subject. But good-bye for now.